:ALTER EGO

Ewan

March 2, 2008

Alas singko na ng umaga di parin ako makatulog… ewan ko nga ba.. andami ko pang mga kuhang dapat iayos at ilagay sa multiply, pero kaninang ala-sais ng hapon pa ko nagaayos ng mga litrato.. teka mukhang di na maganda yung nagiging resulta ng inaayos ko… dapat itigil ko na to.. pinatay ko na ang kompyuter at humiga..e di parin ako makatulog..hayyy.

hiskul ako nung una akong nahumaling sa photography. noon film pa ang gamit ko. pero mukhang mailap sakin ang mga films. laging sablay kung baga. kung hindi underexposed yung mga kuha ko, di naman kinaan ng ngipin ng camera ung film na nilagay ko. ewan!! first year college nung may kaunaunahang film na pumatok sakin - kodak! lahat yata ng kunan ko nun pwede mong ipanglaban sa mga contest at tiyak na pang grand prize ang mga iyon. pero wala pang isang taon, ewan ko ba ha, at bigla nalang akong nagpalit at iniwan ang pinakamamahal kong kodak. sunod na gamit ko - agfa. Biglaan lang ang paglipat ko sa agfa. Ewan. di ko maipaliwanag. Pero kahit biglaan, napamahal agad ako sa brand na ito. Mas naging gamay ko ang lahat ng klase ng gusto kong exposures sa brand na to. Di ko sya makompra sa kodak. Basta. Kakaiba. Pero paglipas ng ilang taon, nbaliktad lahat. Parang pakiramdam ko iniwan ako sa ere ng agfa. Ang kaisaisang uri ng agfa film na gamit ko biglang na-phase out. Ewan ko ba! Karma ba to?? Ewan.

e syempre digital age na..kaya sabi ko magpapahinga muna ko sa paggamit ng film, kaya sabay sa uso muna ko - digital na kamera. pero di siya ganun kadali para sakin. Hinahanap-hanap ko parin ang film. kulang nalang umiyak ako gabi gabi. o di kaya naman nakatulala lang ako palagi. ang drama ba? ganun talga walang pakialamanan. matagal-tagal din bago ko nakalimutan ng bahagya ang pagfifilm. ano nga bang choice ko? wala naman na kong magagawa. kaya sabi ko ieenjoy ko nalang yung paggamit ko ng digital camera. saglit lang parang gamay na gamay ko na sha. pero di parin nawawala ang pagnanasa ko sa paggamit ng film. ewan.

lagpas 2 taon na kong gumagamit ng digital. masaya. halos lahat ng gusto kong gawin nagagawa ko. laht ng gusto kong kuhanan nakukuhanan ko. di ko kelangan ng film. tira lang ng tira. pag mali, bura. pag ubos na ang sdcard, format lang at pede na uling kumuha. nageenjoy na ko dito.

pero nakakasawa ding magdigital. minsan parang gusto ko ngang magbalik film. anong brand naman kaya? ayaw ko na ng kodak! ayaw ko na din ng agfa!pero habang wala pa..lulubusin ko muna at patuloy na ieenjoy ang paggamit ng digital na kamera..

ilang buwan na rin ang nakakalipas, mukhang may banta nang muli kong paglipat sa film. ang brand? fuji. madaming nagrerecommend sakin na gamitin to. wala nga lang masyadong mga reviews na makikita sa kung saan man. kahit sa net. o mali lang ang hinahanapan ko? Ewan! isa pa, wala akong makitang nagbebenta nito. pero gusto ko siyang subukan. halos araw araw naghahanap ako ng nagtitinda ng fuji film na to. sa hidalgo, sa mall, sa grinhills, at kung saan saan pa.

pero lahat tlaga nakukuha sa tyaga. isang araw nkakita ako ng nagbebenta ng fuji. sila nalang ang supplier nito. nasa cebu ang tindahan nila pero willing ako magpunta dun basta anjan na ang stocks at ipipick-up ko na ang pinakaaasam kong film. pero sabi sakin out of stock daw. huwatt?? kinuha ko yung contact number ng tindera para mafollow up ko sya at pag may dumating na stock makakuha ako agad at di ako maubusan.

Halos araw araw kinokontak ko yung tindera. sabi lang sakin - malapit na. malakas ang kutob ko na para sakin talga tong film na to. salamat naman kay ate at lagi naman nya kong inuupdate sa status ng aking order. pero malinaw ang sabi nya: ‘bawal ang reservations. first come first served.’ pero confident ako. makakakuha ako. kaw ba naman maupdate ni ate halos araw-araw e. pag naubusan pa naman ako nyan ewan ko nalang..e ang tiket ko pacebu? ok na. may kakilala akong may jetsetter na tiket kaya kahit anong oras ready to go ako. excited na ko!!

pero kung lahat nakukuha sa tyaga, mukhang may araw tlaga na malas ka. nito lang nakaraang linggo di na nagrereply si ate sa mga text ko. aba ate. baka ubos na ung film ha. kawawa naman ako. nakahanda na lahat. film nalang agn kulang. malinis na yung kamera ko. nagprapraktis na rin ako sa kunwari e pagkuha ng mga litrato. nagreview na rin ako ng mga basic concepts sa film photography. ganun ako kahibang. at pansamantala ko narin palang tinago muna yung digital ko na kamera bilang paghahanda sa muli kong pagbabalik sa film. pero kinulit ko parin si ate. maya-maya. araw-araw. oras-oras. sigu-sigundo. pagkatapos makaubos ng halos 500 na load, nagreply c ate. ’sino to? wat can i do for you?’ ay sows ate. ako ito. haler?? mukha yatang parang nalimutan ako ni ate. o baka busy lang. baka naman kinalimutan tlaga ako?? o pede ding confused sa dami ng ginagawa sa shop nila. o baka naman anjan na yung fuji ko? baka busy na sha sa pagbebenta sa ibang customers samantalang ako nandito pa sa manila??

paglipas ng ilang oras ng pagpapaalala kung sino ako, mukhang naaalala na ko ni ate. pero may iba e. parang nagiba yung tono ng boses nya. iba na rin ang dating. ibang iba nung dati ko shang tinatanong na parang text mates kami. baka ubos na ung film? wag naman po sana. wag ganun.

sa pagtatapos ng paguusap namin ni ate sinabi nya na kelangan kong pmunta ng cebu. ‘ate sigurado bang may maaabutan pa ko nyan?’ di na sha nagreply. hala. kamusta naman yun. basta kelangan kong pumunta. makikipagsapalaran na lang ako. e pano kung ubos na?? kasalan ko lahat to e. masyado akong naexcite sa balita ng pagdating ng fuji. masyado yata akong nabulag sa pagbabalik film ko. masyado kong kinundisyon yung sarili ko. plinano ko na lahat ng kukunan kong mga sceneries, events at kung ano-ano pa, gamit ang fuji film ko. hayy…

kelangan kong ituloy to. ppnta ko ng cebu kahit alam kong 99% e wala na kong fujing aabutan dun. may 1% pa. 1%. pwede na yun. pinabook ko na agad ang pinakamaagang available na flight at maya mayang onti lilipad na ko pacebu. kinakabahan ako. para akong uminom ng 10 grande na mocha frappe sa lakas ng kabog ng dibdib ko. kaya ko to. iniisip ko nalang na pag wala na kong abutang film, may digital cam pa ko. di ako iiwan ng digital camera ko. pero kaya ko ba to? kaya ko bang tanggapin? parang di ko kaya. gusto kong tumigil nalang yung mundo ko. ewan!

maya-maya pa, oras na ng alis ko. di na ko naghanda. 2 minutong ligo tpos sipilyo. bihis. batsi na. pagdating sa naia, derecho check-in agad. makalipas ang limang minuto boarding na. umupo na ko sa window seat na lagi kong nirerequest.

di ako mapakali. masakit na ulo ko. masama na pakiramdam ko. para ako nagugutom, naeebs, sumasakit ang ngipin, kumikirot ang ulo, sinisipon, kinakabag, nasusuka, at nangangalay ang 2 paa - ng sabay sabay. san ka pa? pero pipikit ako. magdadasal ako. Lord bahala ka na.

mayamaya pa may tumapik na sa balikat ko. sabay may bumulong sa kanang tenga ko: ‘Kuya. Kuya.’ Nkatulog pala ko. Buti naman at nakapahinga ako kahit saglit. sandali kong nakalimutan ang tungkol sa film na yan. Mirakulo yata un. E walang saglit na di ko inisip yung fuji na yun. Himala.

Kaya agad kong minulat ang mata ko.

teka.

pumikit ulit ako. kinusot ko ng onti yung mata ko. di to tama.

‘Kuya gising na alas 12 na. tanghalian na. haba na ng tulog mo. galit na si mama’, sabay tapik ulit ng kapatid ko sa balikat ko.

Ha?!! Ewan.

Posted by kenshusei at 3:06 am | permalink

Previous Comments

Ang galing bru! =P

Posted by 3d@!n3 at March 6, 2008, 8:55 pm

ayos bru, pang carlos palanca ang isang to ha.

Posted by melody at March 11, 2008, 4:33 pm

hay naku mga avid fan ko tlga kayo..haha

Posted by kenshusei at March 11, 2008, 6:04 pm

Add a comment








alter ego

["ol-t&r-'E-(")gO also -'e-(")gO]
noun--

1. a second self;
2.
a trusted friend;
3. the opposite side of a personality;
4.
An intimate friend or a constant companion.

[Latin : alter, other + ego, I, self.]

message board

jameni:

KROO KROO

yang:

ano ba d ako maklagay ng comment.daming required fields hehe. anong meron sa 4 n bwan? :p

yang:

ano ba d ako maklagay ng comment.daming required fields hehe. anong meron sa 4 n bwan? :p

Phaw:

Yo! U think there still some units available at your condo site?

randell:

Si Karlou ba si Kenshusei?

teena:

on multiply, baka nman kasi uber laki ng size ng pics mo. try mo i-resize. for sharing lang nman e…

maan:

hi! link ex? :)

ziddane:

ala kc aq idea eh

ziddane:

anu b sasabihin q kapag magpopropose aq ng kasal??…

xty:

nice blog

teena:

ayos. may property ka na.:)

bentam:

elow po. sarap ng condo. enge po hehe joke lang \m/

kenshusei:

jam, di ba halata?hehe..musta ka na jan?

jam:

ellow..nanggugulo lang..at nagulat ako sa wedding picture si ate rissa pala yan o_0

teena:

http://acebalasador.multiply.com/photos/album/39/UPLB_IR_Series

teena:

cokatola. haha. cute.:)

kenshusei:

@melody: thanks ate

kenshusei:

@yang: forgot to change the settings. i think its ok now

yang:

ang hirap naman maglagay ng comment..kelangan may email pa. ;) )

yang:

wow naman! im happy for you and really proud.. balik old hobby ka ulit. godbless ;)

Leave a message ▼

Subscribe

Technorati
Bloglines